Mga Taga-DOLE at BI, pwedeng makasuhan dahil sa pagpapabaya

 

Maaring masampahan ng kaso ang mga taga Department of Labor and Employment at Bureau of Immigration sakaling mapatunayan na nagkaroon ang mga ito ng kapabayaan kaya lumobo ang bilang ng mga dayuhan na ilegal na nagtatrabaho sa bansa.

 

Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, posibleng maharap sa kasong katiwalian ang mga taga DOLE at BI dahil hindi nila ipinatutupad ang mga batas.

 

Pahayag ito ni Drilon sa natuklasang mga Chinese nationals na ilegal na nagtatrabaho sa mga construction sites at sa dumaraming online gaming operations, mga Chinese restaurants at Chinese stores.


 

Pinagsabihan din ni Drilon ang DOLE at BI na maging mahigpit sa mga turista na nag-aaplay ng work permit.

Facebook Comments