Mga tanggapan sa gobyerno na walang saysay, dapat buwagin para may maidagdag sa lumalaking pension ng military at uniformed personnel

Pinabubuwag ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez ang mga tinatawag nyang ‘parasitic government entities’ o mga opisina sa gobyerno na wala namang nai-aambag sa pag-unlad ng bansa.

Binanggit pa ni Alvarez, na dapat sibakin din ang opisyal ng gobyerno na may malalaking sweldo pero walang ambag sa bansa at sa halip ay rumaraket lang.

Sabi ni Alvarez ang matitipid na budget para sa nasabing mga walang saysay na ahensya o government officials ay mainam na idagdag sa lumalaking pensyon ng mga military at uniformed personnel o MUP.


Giit ni Alvarez, na dating House Speaker, hindi dapat talikuran o balewalain ng pamahalaan ang MUP retirees na inialay ang kanilang buhay para protektahan ang institusyon at ang bawat mamamayan ng bansa.

Facebook Comments