
Nakumpiska ng Bureau of Customs-NAIA ang mahigit 42 kilo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng ₱291.61 milyon mula sa tatlong magkakahiwalay na kargamento galing Kenya at Malaysia.
Pinakamalaki sa nasabat ang mahigit 39 na kilo ng iligal na droga na nakasilid sa isang shipment mula Kenya na idineklarang spare parts.
Narekober naman ang natitirang mahigit tatlong kilo mula sa dalawang kargamento galing Malaysia na idineklarang mga laruan at libro ng bata, at workout accessories.
Nai-turn over na ang mga sample ng nasabat na kontrabando sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa kaukulang laboratory examination, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa mga nasa likod ng pagpupuslit nito.
Facebook Comments










