Bilang pagtalima sa naging kautusan ni PNP Chief Director General Ronald Bato Dela Rosa na hindi na pwedeng magdala o magbitbit ng armas ang mga barangay tanod sa bansa dahil sa nangyari sa Mandaluyong city, ay mabilis na sumunod agad si Poblacion 9 barangay chairman Jonas Mohamad sa nasabing direktiba.
Kayat mula kagabi ay hindi nab aril ang kanilang dala kundi Itak na ang bitbit nila sa pagroronda sa kanyang barangay para pangalagaan ang mga kabarangay nito mula sa banta ng masasamang loob at mga terorista.
Batid umano ni Kap.Jonas ang hirap na Itak lang ang kanilang bitbit dahil maging ang mga holdaper at mga kawatan ay meron dalang mga baril..Subalit magpaganun paman daw ay wala siyang magawa kundi tumalima sa nagging kautusan ni General Dela Rosa dahil mahirap ng mahuli ng mga bata nito na silay may bitbit na baril…
Isa ang barangay Pblacion 9 sa masusing nagbabantay sa gabi dahil itoy boundary ng kabuntalan at sultan kudarat na minsan ay may nakikitang armadong dumadaan na nakasakay ng mga Bangka.
Mga tanod ng Poblacion 9 Itak na ginagamit sa pagroronda sa barangay
Facebook Comments