Mga tenant ng Gwapotel binigyan ng 10 araw para umalis – MMDA

Manila, Philippines – Nagbigay na lamang ng sampung araw na palugit si MMDA General Manager Danilo Lim sa mga tenant na umalis sa dating Gwapotel sa Maynila.

Nabatid na pinaaalis na ang mga nangungupahan at ilang tindahan sa lugar dahil isasara na ito sa susunod na buwan.

Ayon kay Lim – ibabalik na kasi ang Gwapotel sa National Power Corporation (NAPOCOR) na tunay na may-ari ng gusali.


Aniya, hindi na rin ligtas pang tirhan ang nasabing gusali.

Dagdag pa ni Lim – noong isang buwan pa napaso ang kontrata sa gusali.

Iginiit ni Lim na binigyan na ng abiso ang mga tenant na kailangan na nilang umalis noong pang Agosto 15.

Ang Gwapotel ay nakalaan sana sa mga taga-probinsya na may sadya sa Maynila na nangangailangan ng isa hanggang dalawang araw na matutuluyan pero naging paupahan para sa mga mahihirap.

Facebook Comments