MGA TIPS SA PAGBILI NG TAMANG CELLPHONE PARA SAYO

Bestfriend, ngayong 2018, samut-saring mga teknolohiya ang nagliparan at maaaring pagpilian. At hinding hindi mawawala diyan ang pinaka-importanteng gadget mapa bata man o matanda, ang cellhpone. Ngunit papaano nga ba dapat pumili ng angkop na cellphone para sa pang araw araw na pangangailangan? Narito ang ilang tips na pwedeng i-check at dapat iconsider na makakatulong sayo sa pagpili ng cellphone na angkop para sa iyo. Una, ALAMIN ANG BUDGET. Sa personal kong opinyon, hindi importante sakin kung mumurahin ang gamit mo, bastat kaya mong ma-maximize ang pag gamit nito. Ikalawa, ALAMIN GAMING PHONE O OFFICE LANG ANG KELANGAN MO. Kung gaming phone ang hanap mo, dapat ay yung malaki ang RAM at ROM pati na rin ang speed ng processor ng cellphone at siyempre malaking puntos kung malaki ang screen (5.5 hanggang 6 inches), at malaki ang battery. Maaaring ipaliwanag ng mga sales attendant ang tungkol sa bagay na ito kung hindi ito naiintindihan ng isang mamimili. Ikatlo, LAGING ALAMIN KUNG MAY SERVICE CENTER SA LUGAR NINYO.  Isa ito sa mga pinaka inportanteng bagay na dapat isaisip bilang isang mamimili. Ang service center ang ospital ng inyong cellphone kapag nasira ito o may mga factory defect. Laging itago ang warranty nito upang makalibre sa gastos kung pagpapaayos depende sa sira na natamo.
Iilan lang yan bestfriend sa mga tips na pwedeng isaisip sa pagpili ng tamang cellphone para sayo. Maaaring magsearch sa internet para sa mas detalyadong mga tips galing sa ibat ibang users at cellphobe companies sa buong mundo. Laging tandaan,  lamang ang may alam. i know right!

Facebook Comments