Kalibo, Aklan — Umabot na sa 7, 634 o 60% ng mga tourism related workers sa isla ng Boracay ang nabakunahan laban sa COVID-19.
Ang nasabing numero ay mula sa 12, 809 na target ng Department of Tourism para sa kanilang isinasagawang vaccination drive para sa mga tourism workers.
Matatandaan na nitong nakaraang Biyernes ay nakatanggap ng karagdagang 3,200 doses ng bakuna ang LGU Malay mula sa 18, 200 doses na tinanggap ng gobyerno provincial.
Samantala, naniniwala naman ang DOT na ang pagbabakuna sa mga tourism frontliners ay isa sa mga susi upang muling maibalik ang kompyansa ng publiko na muling mag travel, at mapapaigting ang socio-economic activities na makatutulong sa pagrekober ng ekonomiya ng turismo sa bansa.
Facebook Comments