Kalibo, Aklan – Nasa 34 ang mga tribong opisyal na nagparehistro para sa “Kalibo Sadsad Ati-atihan Contest 2024”.
Ito ang kinumperma ni Mr.Boy Ryan Zabal, Committee Chairperson, Kalibo Sadsad Ati-atihan sa RMN DYKR Kalibo.
Ayon kay Zabal na ang 34 na tribu ay siya na ang makikita sa Enero 20, 2024 na taunang Kalibo Sadsad Ati-atihan Contest.
Napili ang 34 na tribu na ito sa pamamagitan ng early registration, nakapag fill-up ng forms, nakapag attend ng mga meetings at nakapasa na ng mga inisyal na requirements kung saan naisumite na rin ito sa Municipal Tourism Office (MTO) para sa pagprepare sa pag-release ng kanilang tribe subsidy.
Kinumperma rin nito na may mga tribo at grupo na hindi pa nakasali at talagang hindi sumali dahil sa mga dahilan na hindi rin maiwasan at may paglabag sa mga alituntunin ng committee noong nakaraang taon.
Pero meron rin aniya na mga bagong grupo na sumali para sa contest lalo na sa Balik-Ati, Modern Group at sa Tribal Small.
Samantala, para sa 2024 na tribe subsidy ay merong pantay-pantay na increase na P 10,000 sa bawat category.
Sa Tribal Big Category na dating may subsidy na P120, 000 sa ngayon ay merong proposal na P130, 000.
Sa Tribal Small na dati ay P 90,000 ngayon ay meron ng P 100,000; Modern Tribal na dati may P 80,000 ngayon may P 90,000 at ang Balik-Ati na may dating P 70,000 ngayon meron ng P 80,000.
Ang nasabing subsidy ay may kabuuang mahigit P 3.2 milyon pesos.
Mananatili pa rin sa One Million Pesos ang premyo sa tatanghaling Champion sa Tribal Big Category.
Nakatakda naman ang Opening Salvo sa Oktubre 7, 2023 sa Kalibo Pastrana Park.

Facebook Comments