Cauayan City, Isabela- Maswerteng nakatanggap ng libreng isda mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) region 2 ang ilan sa mga traysikel driver sa Carig Sur at Norte, Tuguegarao City sa Lalawigan ng Cagayan.
Ayon kay Dr. Angel Encarnacion, OIC-Regional Director ng BFAR, higit 200 kilo ng isdang tilapia ang naipamahagi sa mga tsuper na miyembro ng Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA) ng mga barangay ng Carig Sur at Carig Norte.
Inihayag ni Encarnacion na ang kanilang pagbibigay ng libreng isda ay bahagi ng pagdiriwang ng kanilang ahensiya ng Fish Conservation Week ngayong buwan ng Setyembre na may temang “Pangisdaang Likas-Kaya, Bunga’y Masaganang Ani at Mataas na Kita.”
Sinabi pa ni Encarnacion, sa pamamagitan aniya ng kanilang mga ipinamigay na isda ay malaking tulong na rin ito para sa mga traysikel driver’s na lubhang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.