Malay, Aklan – Kunti pa rin ang mga turistang bumibisita sa isla ng Boracay mula ng ito’y buksan noong Oktubre 1, 2020. Base sa datus ng Malay Tourism Office na Oktubre 1 ay merong 35 na bumisita kung saan 5 ang taga NCR, 19 taga Iloilo City at 1 ang taga Roxas City. Oktubre 2 ay may 47, 39 dito ang taga Aklan at 8 ang taga NCR. Oktubre 3 meron namang 53, kung saan 27 ang taga NCR at 21 ang taga Aklan. Oktubre 4 may 31, 15 dito ang taga NCR, 2 ang taga Iloilo City at 13 ang taga Aklan at sa Oktubre 5 ay may 13 na mga bumisita, 2 taga NCR, 3 taga Iloilo City, 2 taga Antique at 6 ang taga Aklan. Sa ngayon ay may 179 na ang kabuuan ng mga turista na bumisita sa isla kung saan patuloy naman ang pag ingganyo ng lokal na pamahalaan ng Malay at ng gobyerno provincial ng Aklan sa mga turista na bisitahin ang isla. Ang isla ng Boracay ay nananatili pa ring COVID free.
Mga turistang bumibisita sa isla ng Boracay kunti parin
Facebook Comments