MGA TURISTANG BUMISITA SA ISLA NG BORACAY SA LOOB NG LIMANG BUWAN HALOS UMABOT NA SA 1 MILYON

Kalibo, Aklan – Halos umabot na sa 1 milyon ang numero ng mga turistang bumisita sa isla ng Boracay sa loob ng limang buwan. Base sa tala ng Malay-Boracay Tourism Office na mula Enero hanggang Mayo 2023 ay nasa 944,000 na ang naitalang tourist arrival sa Isla. Sa nasabing numero ay nangunguna pa rin ang Domestic Tourist na may 735, 645; Foreign Tourist na may 185, 039 at 24, 166 na mga Overseas Filipino Workers (OFWs) Positibo naman ang Malay-Boracay Tourism Office na maabot ng Boracay ang mahigit dalawang milyon na tourist arrival bago pa man matapos ang taon. Isa sa mga nakatulong sa pagdami ng mga turistang bumisita sa isla ay ang muling pagbalik ng mga International Flights sa Kalibo International Airport (KIA). Kelan lang din ay naglunsad naman ang LGU-Malay ng Project BIG-A o Boracay Information Guide Application kung saan sa nasabing online application ay para magabayan ng mga DOT accredited establishments at amenities ang mga bakasyunista na pwede nilang ma-avail sa sikat na isla ng Boracay.
Facebook Comments