Kalibo, Aklan — Nangunguna pa rin ang National Capital Region (NCR) sa may pinakamataas na numerong bumisita sa isla ng Boracay sa buwan ng Setyembre ngayong taon. Base sa data ng Malay Tourism Office (MTO), nasa 4,614 ang mga bumisita mula sa National Capital Region (NCR), 503 sa Central Luzon, 445 sa Calabarzon, 81 sa Central Visayas, 61 sa Ilocos Region, 50 sa CAR, 45 sa Davao Region, 43 sa Bicol, 38 sa Cagayan Valley, 28 sa Eastern Visayas, 22 sa Northern Mindanao, 21 sa SOCSARGEN, 15 sa Zamboanga Peninsula, 2 sa BARMM, at tag-1 ang mula sa MIMAROPA at CARAGA. Umabot naman sa 555 ang mga Aklanon na pumunta rin sa isla. Sa ngayon ay nasa 6,702 ang kabuuang tourist arrival sa isla sa nasabing buwan. Nagsimulang dumami ng mga turistang pumunta sa Boracay matapos muling isinailalim ang probinsya Aklan sa General Community Quarantine (GCQ).
Mga turistang mula sa NCR, nangunguna sa may pinakamataas na numerong bumisita sa Boracay
Facebook Comments