Kalibo, Aklan — Nagsasagawa na ngayon ng final na validation ang barangay at DSWD sa bayan ng Malay, Aklan para na masimulan ng mabigyan ng ayuda ang mga pamilyang apektado ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ngayong buwan ng Agosto.
Ayon kay Malay Acting Mayor Frolibar Bautista na mahigit liman libong pamilya ang inaasahang makakatanggap ng Php 3,000.00 cash assistance, health kit at food packs mula DSWD Region 6.
Sa ngayon ay sinimulan na rin ng DSWD ang pagbibigay ng food packs sa mga apektado.
Umaasa naman si Bautista na mapabilis ang pagbigay ng cash assistance sa head of the families.
Facebook Comments