Kalibo, Aklan – Nasa 23, 599 na ang bilang ng mga turistang bumisita sa isla ng Boracay mula Hunyo 1 hanggang 27, 2021.
Base sa inilabas na datus ng Malay Tourism Office (MTO) nangunguna pa rin ang National Capital Region (NCR) sa may pinakamaraming bumisita isla na nasa 15, 075.
Sinusundan ito ng CALABARZON na may 5, 170, Central Luzon na may 1, 736, Central Visayas, 234, Western Visayas 182, Ilocos Region 129, Cagayan Valley 127, Cordillera Administrative Region 107, Bicol Region 68, Davao 30, Eastern Visayas 25, MIMAROPA 20, Northern Mindanao 17, CARAGA 12, SOCCSSARGEN 9, Zamboanga Peninsula 3 at 1 sa BARMM.
Habang ang mga Aklanon na bumisita rin sa isla ay umabot naman sa 654.
Nagsimulang dumami ang mga bumisita sa isla ng Boracay matapos na payagan na ang mga galing sa NCR+ at ang mga galing sa GCQ at MGCQ areas.
Mgaturistang bumisita sa isla ng Boracay mula Hunyo 1 hanggang 27 umabot na sa 23K
Facebook Comments