MIAA, tiniyak na may nakahandang generator set sa paliparan sakaling may power interruption ngayong Holy Week

Nakahanda na ang mga generator set na magsu-supply ng kuryente sakaling magkaroon ng power interruption ngayong darating na Holy Week.

Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Eric Ines naka-standby na ang mga generator set na magsu-supply ng kuryente sa mga importanteng pasilidad ng terminal.

Kasunod nito, sumailalim na sa monthly test runs ang mga naturang generator para matiyak na gumagana ito lalo na ang mga generator ng admin building, complexes ng apat na passenger terminals at sa international cargo terminal.


Samantala, ipinagmalaki naman ng MIAA na matagumpay na natapos ang serye ng planned electrical maintenance activities sa NAIA Terminal 3 na target na palakasin ang over-all reliability ng mga electrical systems sa isa sa pinakamalaking gateway ng Pilipinas.

Facebook Comments