Nais tutukan ng 29 year-old at dating aktres na si Michelle Madrigal ang pagpaplanong mag-umpisa ng Auto-Immune Protocol (AIP) Diet at Paleo Diet matapos siyang ma-diagnose sa sakit na Hashimoto’s disease.
Sa latest instagram post ng first-time mom, inanunsyo niya ang pagkakaroon ng sakit na ito. Sa Hashimoto’s Disease gumagawa ng antibodies ang immune system para atakihin ang thyroid gland.
Dahil dito, nasisira ang thyroid at hindi nakakagawa ng thyroid hormones. Kilala ang Hashimoto disease bilang isang autoimmune disorder na nagsasanhi ng hypothyroidism o hindi aktibong thyroid.
Naging positibo naman si Michelle Madrigal sa pinagdaraanan niya ngayon. Dagdag pa niya ay karamay niya ang milyung milyung kababaihan na nagsa-suffer din sa sakit na ito.
Ayon pa sa caption ng kanyang instagram post; “I know healing my gut is just the first step, but dealing with daily stress and emotional flare ups is also another thing. I really am on a huge “transition phase” of my life this year. So here’s to healing naturally and being healthy from the inside out!”