Dinaluhan ng ilang mga miyembro at opisyales ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) mula sa mga lalawigan ng Maguindanao, North Cotabato, Saranggani at Sultan Kudarat ang 2nd phase of Dialogue na pinangasiwaan ng Bangsamoro Leadership and Management Institute (BLMI).
Dumalo rin sina MILF Peace Implementing Panel Chairman Mohagher Iqbal at MNLF Vice Chairman for Political Affairs Romeo Sema na nagsilbing resource persons.
Tinalakay ni Sema ang ksaysayan ng Bangsamoro struggle upang makamit ng mga Moro ang karapatan na pamahalaan ang kanilang sarili, kasalukuyang estado ng peace process at ang mga nilagdaan kasunduan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at ng dalawang revolutionary groups.
Binanggit naman ni Iqbal ang unification points sa pagitan ng MILF at MNLF, kabilang dito ang Islam bilang relehiyon, identity bilang Bangsamoro, iisang tinubuang-bayan, iisa ang ipinaglalaban at iisa ang patutunguhan.
Binigyan diin din ni Iqbal ang kahalagahan ng pagpapalit ng form of government sa parliamentary form upang ma-exercise ag leadership, consensus-making, at masiguro ang inclusive governance para sa Bangsamoro people.
Sa naturang dayalogo, nagkaisang inirekomenda ng mga partsipante na bilisin ang pagpapalabas ng memorandum mula sa liderato ng MILF at MNLF para sa Implementing Guidelines ng Unification and Reconciliation Program ng dalawang rebolusyonaryong grupo.
Dapat umanong malinaw na nakasaad ang area of responsibility at ikonsidera ang pagpapalakas sa internal policies ng dalawang grupo.
MILF-MNLF, dialogue!
Facebook Comments