Military chopper bumagsak – 3 patay, isa sugatan sa Tanay Rizal

Manila, Philippines – Nagsasagawa ng Air to Ground Disaster Rescue Operation Training ang mga nasawing at nasugatang sundalo nang bumagsak ang kanilang sinasakyang military chopper na Huey UH-ID helicopter sa Sitio Hilltop, Barangay Sampaloc, Tanay, Rizal kaninang alas tres ng hapon.

Ayon kay 2nd Infantry Division Spokesperson 1Lt Xy-Son Meneses, 60 na sundalo ng 2ID at 12 na tauhan ng PNP na galing PNP region 4A ang nagsasagawa ng pagsasanay sa Camp Capinpin sa Tanay, Rizal.

Layon aniya ng pagsasanay ay para ihanda ang hanay ng 2ID at PNP sa mga posibleng operation and disaster rescue operation.


Pa-landing na raw ang helikopter sa Camp Capinpin nang nagkaroon ng trouble ang chopper dahilan ng tuluyan nitong pagbagsak.

Sa ngayon hindi pa inanunsyo ng militar ang pangalan ng tatlong nasawing sundalo at isang sugatan.

Ito ay dahil hindi pa naipaalam sa pamilya ng mga biktima ang pangyayari.

DZXL558

Facebook Comments