MANILA – Sa pagharap sa pagdinig ng kamara ng controversial inmate na si Jaybee Sebastian, sinabi nito na sa pagsusugal palang ng mga inmate ay maliit na ang isang daang milyong pisong pinagtatalunan ng preso kada araw.Ibinunyag din ni Sebastian, na nakapagbigay umano siya ng kabuuang sampung milyong piso sa kampanya ni Sen. De Lima para sa nakaraang eleksyon.Samantala tinatayang 30-milyong piso narin ang kinita ni Sebastian sa kalakarang ng droga sa bilibid.Pero paglilinaw ni Sebastian, hindi lahat ng kinita niya ay napakinabangan ng kanyang pamilya.Ibinunyag din ni Sebastian, na ang mga ilegal na droga ay nanggagaling umano sa China at North Korea.Anya ang bentahan ng droga at ang katiwalian sa kulungan ay alam ng mga opisyal ng Bureau of Corrections na tumatanggap rin ng pera.
Milyong-Milyong Piso Umiikot Sa Loob Ng New Bilibid Prison Araw-Araw
Facebook Comments