Manila, Philippines – Minolestya umano ng isang pari ng Iglesia Filipina Independiente, ang isang 16 na taong gulang na bata.
Ito ay matapos na inireklamo ang nasabing pari, sa tanggapan ng Police Station 4 Carmen sa kasong violation ng Republic Act. 7610, o Child Abuse Law.
Ang suspek ay nakilala sa pangalan na si Father Camilo V. Hallazgo, may asawa, at residente ng Mulogan El Salvador, Misamis Oriental.
Ang pari, ay inakusahan ng isang 16 na taong gulang na bata, na isang sacristan ng IFI Church sa Brgy. Kauswagan sa lungsod ng Cagayan de Oro.
Ayon sa ama ng biktima, na hinimas ng nasabing pari ang pribadong parte ng biktima, at hinalikan sa kaniyang leeg at bibig.
Sa interview ng RMN news sa nasabing biktima, na nangyari ang insidente noong Abril 9 habang ang biktima ay pumanhik sa kanilang kapilya para magpasukat sa kaniyang sutana na siyang gagamit nito sa kaniyang pagiging sacristan ng nasabing simbahan.
Ipinakandog umano ng pari ang biktima, ay doon sinimulan ang paghimas.
Dahil dito, posibleng mahaharap sa kasong child abuse ang nasabing pari.