Miss Universe 2018 Catriona Gray, binigyang pagkilala ng Kamara

65

Manila, Philippines – Binigyang pagkilala ng Mababang Kapulungan ng Kongreso si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Dumating ngayong hapon si Catriona kasama ang Miss Universe Organization kung saan sinalubong ito ng mga leaders ng Kamara, mga empleyado at mga kongresista.

Nag-courtesy call muna si Catriona kay House Deputy Speaker Mercedes Alvarez.

Sa House Resolution 178 pinuri ng mga mambabatas ang naiambag ni Catriona sa lipunan tulad ng pagtulong sa mga kabataan sa Tondo, Maynila at pagsusulong ng HIV awareness.

Sa kanyang maikling mensahe ay masaya ang Pinay-Australian beauty queen sa napakalaking oportunidad na ibinigay sa kanya para makaharap ang mga leader ng bansa.

Sinabi din nito na handa siyang matuto at malaman ang kasalukuyang estado ng bansa kaya umaasa siyang makakaharap niyang muli ang mga opisyal.

Facebook Comments