Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, nanawagan sa publiko na tigilan na ang pambabash sa kaniya

138

Nanawagan sa publiko si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo kaugnay sa pambabash ng ilang netizen tungkol sa kaniyang lumang litrato.

Nabatid na ilang araw matapos ang pagkapanalo niya sa beauty pageant ay isang year book photo ang lumabas sa social media at sinasabing si Rabiya ay sumailalim sa beauty enhancement o cosmetic surgery.


Say ng beauty queen, 11 taon na ang naturang litrato kung saan, hindi niya pa alam kung papaano mag-make up at mahalin ang sarili kaya tigilan na ang pagtawag ng pangit sa kahit na sinong tao.

Facebook Comments