Mandaluyong City – Ni-relieve muna sa pwesto ang mga pulis na nasangkot sa pamamaril sa isang babae na dadalhin sana sa hospital sa Mandaluyong City.
Ayon kay Senior Superintendent Moises Villaceran Jr., hepe ng Mandaluyong PNP, siyam na pulis ang nasa kustodiya na niya ngayon at kinumpiska na din niya ang mga baril nito.
Unang binaril ang ginang na si Jonalyn Ambaan sa Freedom Park sa Barangay Addition Hills habang isinusugod sa hospital ay hinabol ng mga pulis ang sinasakyan ng biktima sa pag-aakalang ito ang getaway vehicle ng suspek.
Tadtad na ng bala ang kulay puting adventure ng mapag-alaman nila na maling sasakyan ang hinabol habang nakatakas naman ang tunay na suspek.
Patay din si Jomar Hayawon na isa sa nagmagandang loob na tumulong para madala sa hospital ang biktima habang nasa kritikal na kondisyon ang dalawa niyang ka-trabaho na sina Eliseo at Danilo Santiago.
Sinabi pa ni Villaceran na iimbestigahan na din nila kung gumamit ng excessive force ang mga pulis nang pagbabarilin nila ang mga biktima.
Tiniyak din ng opisyal na magkakaroon ng patas na imbestigasyon sa nangyaring mistaken identity.