Cauayan City, Isabela- Dead on arrival ang isang mister matapos ma-hit and run ng puting Van sa pambansang lansangan sa Brgy. Quezon, Solano, Nueva Vizcaya.
Hanggang sa ngayon ay inaalam pa ang pagkakakilanlan ng biktima na nakasuot lamang ng itim na jogging pants at T-shirt.
Ayon kay P/Maj. Ferdinand Laudencia, OIC ng PNP Solano, Nueva Vizcaya, inaalam pa nila ang plaka ng van na puti kung saan ay kasalukuyan silang nakikipag-ugnayan sa mga owner ng CCTV na maaring nahagip sa pinangyarihan ng insidente.
Dakong 11:20 kagabi nang mangyari ang insidente na ikinasawi ng biktima.
Kaugnay nito, nananawagan ang pulisya kung sino man ang may kamag-anak na hindi nakauwi kagabi na maaaring makipag-ugnayan sa kanilang himpilan at sa Veterans hospital sa naturang bayan.