Arestado ang isang lalaking residente ng Barangay Sta. Rosa, Santa Maria, Pangasinan, matapos ipatupad ang warrant of arrest laban sa kanya kaugnay ng kasong Qualified Theft noong Nobyembre 26.
Isinagawa ang pag-aresto ng mga tauhan ng Santa Maria Police Station bandang alas-1:10 ng tanghali sa bisa ng warrant na inilabas noong Nobyembre 16, 2026, ng Regional Trial Court sa Urdaneta City, Pangasinan.
Hindi na tinukoy sa police report ang iba pang detalye ng kasong kinakaharap ng suspek.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng Santa Maria Police Station ang naarestong lalaki habang isinasailalim sa kaukulang proseso alinsunod sa batas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments











