Mlang airport matagal ng hindi napapakinabangan

Malaki ang paniniwala ni 3rd district North Cotabato Board Member Socrates Pinol na sa panahon ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ay maging commercially operational na ang Mlang airport, na matagal ng nagawa ang paliparan subalit hindi parin napapakinabangan dahil sa ilang kakulangan at kadahilanan. Sinabi pa ni Bord Member Pinol na malaking pakinabang para sa mga constituent at mga negosyante ng north cotabato ang naturang airport kung saan hindi na sila pupunta pa ng davao city o cotabato city. Anya pa kanyang ipi-follow-up sa DOTR kung pasok ba sa 2018 budget ang paglalagay ng Control Tower. Maalalang panahon pa ni pangulong Gloria Mcapagal Arroyo noong 2009 ang naturang Mlang airport na ginagawa na lang drag race ang runway.

Facebook Comments