MMC, ipinaubaya muna sa IATF ang susunod na quarantine status sa Metro Manila

Nagkaisa ang Metro Manila mayors na ipaubaya muna ang desisyon sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) sa magiging susunod na community quarantine status na ipatutupad sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, napagkasunduan ng Metro Manila mayors na bagama’t sila ang nakaranas at nakaaalam sa tunay na kalagayan sa kanilang mga nasasakupan ay kinakailangan umanong balansehin ang usapin ng kalusugan at ekonomiya ng bansa.

Tinitiyak naman ni Abalos na anuman ang susunod na community quarantine pagkatapos ng Aug. 20, ipagpapatuloy ng nila ang Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR) upang mapababa ang pagkalat ng Delta variant ng COVID-19.


Giit pa ng pinuno ng MMDA, anuman ang magiging desisyon ng IATF, napagkasunduan ng mga alkalde na dodoblehin nila ang pagpapabakuna sa kanilang mga nasasakupan at mahigpit na ipatutupad ang health protocols at tuloy-tuloy na komprehensibong testing at contact tracing.

Facebook Comments