MMDA General Manager Jojo Garcia, nagnegatibo na sa COVID-19

Kinumpirma ni pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na nagnegatibo na sa Coronavirus Diseases 2019 o COVID-19 si MMDA General Manager Jojo Garcia.

Sa ipinadala na pahayag ni Garcia sa media, ikinatuwa nito na ang bagong resulta niya sa COVID-19 test ay negatibo.

Kanya rin ipinaabot ang pasasalamat nito sa mga taong nagdasal para sa kanya at nagbigay ng suporta habang nakikipaglaban sa nakakamatay sa virus.


Ang Philippine Red Cross Molecular Laboratory ang nagsagawa ng kanyang pinakabagong COVID-19 test.

Tiniyak naman niya na ipagpapatuloy niya ang pag-se-self quarantine hangga’t na tuluyan na siyang gumaling at tiniyak din nito na hindi maaapektuhan ang pamamalakad niya sa MMDA.

Matatandaan, nagpositibo sa COVID-19 si Garcia noong March 28 matapos itong magkaroon ng direct exposure sa taong infected ng virus na dumalo sa ilang pagpupulong sa MMDA.

Facebook Comments