Mga manggagawa sa Cainta, Binangonan, Taytay at Angono, Rizal na apektado ng krisis sa COVID-19, nakatanggap ng tig- ₱4,000 cash mula sa Pamahalaang Lungsod ng Rizal

Pumalo na sa humigit kumulang ng 700 manggagawa mula sa Bayan ng Cainta, Taytay, Angono at Binangonan sa probinsiya ng ang nakatanggap ng tig-₱4,000 cash assistance sa ilalim ng Government’s Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced Workers o TUPAD amid bunsod ng ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) dulot ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

Tinatayang umaabot sa 680 Informal Sector workers, kabilang ang mga tricycle drivers, taxi drivers, street vendors, at lahat ng mga nagtatrabaho sa lansangan na hindi nakapagtrabaho dahil sa Luzon lockdown ay nakatanggap ng tulong pinansyal na tig-₱4,000.

Ang TUPAD ay isang community-based package na tulong sa oras ng pangangailangan ng mga manggagawang nawalan ng hanapbuhay, underemployed at seasonal workers na minimum period ng 10 araw pero hindi lalampas ng maximum 30 araw depende sa nature ng trabaho.


Facebook Comments