Hinikayat ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang publiko na paigtingin pa ang kampanya paglilinis sa kanilang mga bakuran lalo na ngayong tag-ulan upang maiwasan na pagmumugaran ng lamok na may dala-dalang Dengue.
Ayon sa MMDA, huwag kaligtaan ang tamang pagtatapon ng mga basura sa tamang tapunan dahil kung hindi ay posibleng ito ay pagmugaran ng lamok na may dalang Dengue.
Paliwanag ng MMDA, napakahalaga na palagiang gawin ang paalala ng DOH na 4S habit kontra Dengue at panatilihin na proteksyunan ang ating mga sarili at linising maigi ang mga lugar na maaring pamugaran ng mga lamok na may taglay na Dengue.
Nagpaalala ang MMDA na mahalaga ang kalinisan sa sarili at kapaligiran dahil ito pa rin ang mabisang paraan para sugpuin ang lamok na may dala-dalang Dengue.