Ipinahayag ni Metro Naga Water District Board President Mr. Jorge Palma na magkaakibat nilang pinagsisikapan na lalo pang mapangalagaan at maprotektahan ang Mt. Isarog Natural Park. Isa sa mga patotoo nito ang isinagawang MOA Signing sa pagitan ng MNWD, Naga City Police Office at Naga City Local Government. Tampok sa nasabing MOA Signing sina Mrs. Virginia Nero ng MNWD, PSSUPT Jonathan Panganiban ng Naga City Police Office, Mr. Jorge Palma ng MNWD BOD/City Advisory Council, at Mayor John Bongat ng Naga City-LGU.
Sa panayam ng DOBLE PASADA – RMN DWNX Naga 1611, ipinahayag ni Palma na pangunahing layunin ng MOA Signing na lalong mapaigting ang pangangalaga at proteksyon sa mahigit 350 hectares na watershed area ng Mt. Isarog Natural Park. Ang nasabing Park ay sa ilalim ng pamamahala ng Naga City Local Government at sakop din ng hurisdiksyon ng MNWD.
Idiinagdag pa ni Palma na marapat paigtingin ang conservation and protection efforts sa nasabing natural park upang patuloy nitong likas na masustentuhan ang pangangailangan sa tubig-inumin ng lahat ng mga residentye ng Naga at karatig lugar. Kabilang din sa layunin ng nasabing MOA Signing ang tuluyang paglinang ng Mt. Isarog Natural Park upang ito ay maging tanyag na natural Ecotourism destination sa Bicol region.
Sa Mt. Isarog Natural Park matatagpuan ang Kalinisan at Nabuntulan Springs na silang pangunahing potable water source para sa mga lugar na kinabibilangan ng Naga City at mga katabing bayan sa Camarines Sur. – Kasama Mo sa DWNX 1611, Grace Inocentes / Paul Santos – TATAK RMN!
# Mt.Isarog MOA Signing 2017, Paul Santos, Grace Inocentes, Jorge Palma, MNWD, MNWD BOD, Virginia Nero, PPSUPT Jonathan Panganiban, Naga City Mayor John Bongat, Doble Pasada, NX Bareta, RMN DWNX Naga 1611
MOA Nilagdaan – Ibayong Pangalagaan at Protektahan ang Mt.Isarog Natural Park
Facebook Comments