Mobile app na tutugon sa mga aksidente sa kalsada sa bansa, inilunsad ng DOTr

Inilabas ng Department of Transportation (DOTr) ang bagong incident reporting app at central command center na layon tumugon sa mga aksidente sa kalsada at motor vehicle crimes.

Sinabi ni DOTr Secretary Arthur Tugade, tutugunan nito ang tumataas na aksidente sa kalsada na matagal nang problema sa bansa.

Tatawagin ang mobile app na “citisend” na magsisilbing direktang linya ng mga nagmamaneho sa Land Transportation Office (LTO) upang agad na matugunan ang aksidente.


Ang programa ay sa pakikipagtulungan na rin ng LTO, Philippine National Police Operations and Control Center.

Facebook Comments