Active cases ng COVID-19 sa PNP, patuloy na bumababa

Nasa 771 na aktibong kaso ng COVID-19 ang naitala ngayong araw sa Philippine National Police (PNP) sa gitna ng banta ng Omicron at Delta variant.

Ang nasabing bilang ay mas mababa kumpara sa naitala kahapon na 947.

Sa datos ng PNP Health Service, nakapagtala ng 53 new cases at 229 new recoveries ng naturang sakit.


Sa kabuuan, umabot na sa 48,541 ang mga tinamaan ng virus habang 47,643 naman ang mga gumaling.

Wala namang naitalang nasawi sa COVID-19 ngayong araw kaya nananatili sa 127 ang mga namatay sa sakit.

Facebook Comments