Mobile Registration para sa mga PDL’s ng BJMP Cauayan City, Isinagawa!

*Cauayan City, Isabela- *Nagsagawa ngayong araw, Agosto 21, 2018 ng mobile registration ang pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP Cauayan City sa mga Persons deprived of liberty o PDL’s ng nasabing bilangguan.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Jail Chief Inspector Atty. Romeo Villante, ang Jail Warden ng BJMP Cauayan City na pipiliin umano nila mula sa dalawang daan at limampu’t limang PDL’s ng naturang piitan ang mga hindi nasintesyahan upang mairehistro at hindi rin umano kabilang sa registration ang mga bilanggo na hindi residente ng Lungsod ng Cauayan.

Aniya, layunin ng kanilang isinagawang mobile registration na makahabol sa pagboto sa susunod na eleksyon ang mga bilanggo na hindi nasintensyahan.


Dagdag pa niya, mula sa mahigit dalawang daang bilang ng mga PDL’s na hawak ng kanyang pamunuan ay target umano ng COMELEC dito sa lungsod ng Cauayan na mairehistro ang nasa kahit mahigit animnapung PDL’s upang makaboto sa eleksyon.

Samantala, karamihan umano sa mga kaso na kinakaharap ng mga nakapiit sa BJMP Cauayan ay may kaugnayan sa droga habang ang iba naman ay kasalukuyan pang inaayos ang kanilang mga kinakaharap na kaso.

Facebook Comments