MOBILE REGISTRATION SERVICES, INILAPIT SA ILANG BARANGAY SA BAYAMBANG

Hindi lamang serbisyo kundi karapatan sa pagkakakilanlan ang binigyang-diin ng Local Civil Registry Office (LCRO) ng Bayambang sa isinagawang Information and Education Campaign (IEC, kasabay ng mobile registration services sa Brgy. Tanolong.

Tinalakay sa mga residente ang pinakabagong kautusan mula sa Philippine Statistics Authority upang maging gabay sa tamang pagsasaayos ng rekord na pwedeng makaapekto sa pag-aaral, trabaho, at pagkuha ng benepisyo sa hinaharap.

Bukod sa kampanya, umarangkada din ang mobile late registration, Birth Registration Assistance Project (BRAP), correction of entries, legitimation at iba pang proseso sa rehistro upang direktang mailapit sa mga residente ang pagsasaayos ng mga dokumento.

Kabilang din sa naging bahagi ng aktibidad ang pagkuha ng Community Service Card na siyang magiging ATM card na gagamitin sa pagtanggap ng ayuda at iba pang tulong pinansyal mula sa pamahalaan.

Sa pamamagitan ng naturang programa, positibo ang lokal na pamahalaan na magiging mas mapapataas ang kamalayan ng publiko sa mga karapatang may kinalaman sa pagkakakilanlan ng isang indibidwal.

Facebook Comments