Moderna, magde-deliver ng 13-M doses na bakuna sa Pilipinas

Nakatakdang mag-supply ng 13 million doses ng bakuna sa Pilipinas ang pharmaceutical firm na Moderna Inc.

Bukod pa rito ang 7 million doses para sa mga pribadong sector.

Pero ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, sa kalagitnaan pa ng taon posibleng simulang i-deliver sa bansa ang mga bakuna.


Ang Moderna ay may 94% efficacy rate laban sa COVID-19.

Samantala, nagpa-reserve din ang Pilipinas ng 6 million doses ng Janssen COVID-19 vaccines na gawa ng Johnson and Johnson pero wala pang petsa kung kailan ito maipapadala sa bansa.

Paliwanag ni Romualdez, may utos kasi si US President Joe Biden na dapat ay nabakunahan na ang lahat ng mga amerikano pagsapit ng katapusan ng Mayo.

Nito lang March 1 nang simulan ang pagbabakuna sa Pilipinas gamit ang 600,000 doses na Sinovac vaccine mula sa gobyerno ng China.

Biyernes naman nang dumating ang 487,200 doses ng Astrazeneca vaccine na donasyon ng European Nations at Australia sa ilalim ng COVAX facility habang darating ang karagdagan pang 38,400 doses mamayang gabi.

Facebook Comments