Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na malabong maging pandemic ang monkeypox virus.
Ayon kay Usec. Maria Rosario Vergeire, ito mismo ang inanunsyo ng World Health Organization (WHO).
Nilinaw rin ni Vergeire na ang monkeypox ay madaling maiwasan kaya walang dapat ikabahala ang publiko.
Una na ring nilinaw ng DOH na patuloy pa rin ang pagtuklas ng bakuna ng mga eksperto kontra monkeypox.
Pinapayuhan din ang mga may sintomas nito na agad na mag-isolate at magpa-konsulta sa doktor.
Facebook Comments