Drug group leader, arestado; 400 milyong halaga ng shabu, nasabat ng PNP at PDEA sa Cavite

31

Nakumpiska ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) sa isang buy-bust operation sa Camella Homes, Dasmariñas, Cavite kahapon ang P408 milyong halaga ng shabu.

Ayon kay PNP Officer in Charge Police Lt. General Vicente Danao Jr., nakuha ang tinatayang 60 kilo ng shabu sa dalawang arestadong drug suspek.

Kinilala ang mga ito na sina Dominador Omega Jr., ang lider ng Omega Drug Group, at ang kanyang tauhan na si Siegfred Garcia.


Pinuri ni Danao ang pagkakahuli ng “malaking isda” at sinabing bunga ito ng kooperasyon ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno.

Sa kasalukuyan, tini-trace na ng mga awtoridad ang lawak ng operasyon ng sindikato.

Facebook Comments