Most wanted sa lungsod ng Parañaque, arestado

Parañaque – Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang lalaking numero unong wanted ng pulisya sa Parañaque City.

Naaresto sa bisa ng warrant of arrest si Johnven Arnaiz 39 years old at nakatira sa J.Estrada West Service Road Brgy. Bf Homes mg naturang lungsod.

Sa report ng Parañaque police si Arnaiz ay may kasong murder sa sala ni Judge Patria Manalastas De Leon.


May kaso ring attempted homicide si Arnaiz sa Muntinlupa City sa sala naman ni Judge Jacob Montessa ng MTC branch 80.

Nahulihan rin si Arnaiz ng caliber 45 na kargado ng bala at isang pakete ng umano’y shabu.

Makakadagdag pa sa kaso ang mga baril at shabu na nakumpiska mula sa suspect.

Facebook Comments