Motion for Reconsideration ng pamilya Laude, pinababasura ng kampo ni US Marine Joseph Scott Pemberton

Naghain na ang kampo ni US Marine Joseph Scott Pemberton ng mosyon sa Olongapo Regional Trial Court Branch 74 na humihiling na ibasura ang motion for reconsideration ng pamilya ni Jennifer Laude na pumipigil sa paglaya nito.

Ayon kay Atty. Rowena Garcia-Flores, abogado ni Pemberton, ang inihaing motion for reconsideration ng pamilya Laude ay walang merito dahil sa kakulangan ng ebidensya na pumipigil sa paglaya ng US Marine.

Aniya, nabigyan ng Good Conduct Time Allowances (GCTA) si Pemberton dahil ang kasong homicide at hindi naman sa heinous crime.


Una nang sinabi ni Atty. Virginia Suarez, abogado ng pamilya Laude na hindi karapat-dapat si Pemberton sa GCTA dahil hindi naman ito nagpakita ng pambihirang gawain at nakaditine pa ng hiwalay sa solong pasilidad.

Kasabay nito, iginiit ni Flores na makabubuting itigil na ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pagkomento sa kaso lalo pa’t nasa posisyon ito at ang anumang sabihin nito ay maaaring isipin na mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments