Santiago City – Matagumpay at mapayapa na idinaos ang Motorcade Interfaith Prayer Rally at Unity Walk kahapon sa Lungsod ng Santiago.
Sa naging panayam ng RMN Cauayan kay Police Superintendent Melchor Ariola, tagapagsalita ng Santiago City Police Office (SCPO), matagumpay na isinagawa ang Interfaith Rally at Unity Walk dahil sa ibinigay na suporta ng mga dumalo na kinabibilangan ng Local Government Unit (LGU), Non Government Organization (NGO’s), mga estudyante at sa mga local candidates na tatakbo sa 2019 Midterm Elections.
Aniya, layunin ng ginawang unity walk ay upang isulong ang payapa at tahimik na halalan.
Nagpapasalamat naman si PSupt. Ariola dahil hindi kabilang ang Santiago City sa listahan ng Comelec sa Hotspot na lugar kahit pa noong mga nakaraang eleksyon dahil na rin sa pakikipagtulungan ng lahat ng sektor sa lungsod.
Samantala, pagdating naman sa mga kapulisan ay detalyado ang ibinibigay na mga guidelines sakanila upang malaman ang mga dapat gawin sa kani-kanilang area of responsibility na kahit hindi naisama ang lungsod sa Hotspot area.