Nabas, Aklan— Patay ang isang lalaki matapos sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa isang puno sa Brgy. Laserna Nabas kagabi.
Nakilala ang biktima na si Sammy Colocar sa legal na edad residente ng Brgy. Nagustan Nabas.
Ayon sa blotter report ng mga otoridad na nangyari ang aksidente bago mag alas 9:00 kagabi kung saan sa kanilang pagresponde ay kasalukuyan nang nilalapatan ng paunang lunas ng MDRRMO Nabas ang biktima.
Nagtamo umano ito ng sugat sa kanyang ulo at iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.
Base sa imbestigasyon sakay umano ang biktima ng kanyang motorisiklong Mitsukushi RCS 125 at tinatahak ang brgy road mula Brgy. Laserna proper patungo ng National Highway.
Pagdating umano sa pakurbang bahagi ng kalsada ay lumampas ito o nag overshoot at sumalpok sa isang puno ng mahogany.
Isinugod sa malapit na pagamutan ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival ng mga doktor.
Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ni PSSGT. Melvin Alba ng Nabas PNP sa nakakalungkot na aksidente.
Ngayong umaga ay kasalukuyan pang isinasagawa ang post mortem examination sa katawan ng biktima.
Motorista patay matapos sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa isang puno
Facebook Comments