Motorsiklo, tinangay sa Koronadal City

23

Manila, Philippines – Tinangay ang isang motorsiklo sa harapan ng isang sports complex sa Koronadal City.

Sa ulat, naiulat na nawawala ang isang Honda wave 100cc na may plakang mm-8904 na pagmamay-ari ni Lorena Alcantara Lacia, 47-anyos.

Ayon kay Alcantara – hiniram ng kanyang anak ang motorsiklo at ipinaradak sa harap ng sports complex nang nawala.

Sa ngayon, patuloy pa ang paghahanap sa nabanggit na motorsiklo.

Facebook Comments