MPOC at MADAC Meeting isinagawa sa Datu Abdullah Sangki Maguindanao

Isinagawa kahapon ang joint Municipal Peace and Order Council meeting at
Municipal Anti-Drug Abuse Council ng bayan ng Datu Abdullah Sangki, Itoy
pinangunahan ni Mayor Bai Mariam Sangki Mangudadatu na dinaluhan din ni 1st
Mechanized battalion Lt.Col.Lauro Oliveros, Police Supt.Falvis ang
kinatawan ni PD Col.Agustin Tello, OPAPP CCCH Major Sol, PDEA-ARMM Director
Juvenal Azurin, Vice Mayor Sangki, at ang sampung barangay chairman.

Pangunahing tinalakay ang updates sa dalawang barangay na nagkaroon ng
kaguluhan noong nakalipas na mga linggo, ang barangay Old Maganoy at
barangay Kayang-Kaya..Sinabi ni mayor Bai Mariam, na wala pang updates sa
isinagawang inbestigasyon ng CCCH MILF at IMT kung paano nag umpisa ang
gulo at kung sino ang nagpalaki ng gulo.

Anya pa hinihintay na lang nila kung kelan matapos ang inbestigasyon..Sa
ngayon ay bumalik narin ang mga residenteng nagsilikas makaraang ilagay ang
task force itihad sa dalawang naglabang commander ng 106th base
command..Ilang insedente din ng nakawan ng alagang hayop, at mga kagamitan
ang iniulat ng mga residente ng naturang mga barangay.


Samantala Sumasailalim parin sa assessment ng PDEA-ARMM ang limang barangay
ng Datu Abdullah Sangki para sa Drug Clearing barangay.

Sinabi ni Mayor Bai Mariam Sangki Mangudadatu, na limang barangay narin ang
naunang nadeklarang drug cleared barangay na ni PDEA-ARMM Director Juvenal
Azurin, ito ang barangay Kaya-Kaya, Mao, Talisawa, Linibon at Sugadol.

Ayon kay Mayora, nagsisikap ang kanyang mga kapitan na madrug cleared ang
kanilang barangay kayat silay nakikipagtulungan sa PDEA para matigil ang
problema ng droga sa kanilang nasasakupan.

Facebook Comments