Taliwas sa unang napa-ulat, itinanggi ni Undersecretary for Rails TJ Batan ang napaulat na maantala ang rehabilitasyon ng MRT-3.
Nilinaw ni Batan na dahil sa pagkaantala ng 2019 General Appropriations Act, napilitan ang gobyerno na pakiusapan ang mga train contractors na paluwaan muna ang pagbabayad ng mga kinakailangang equipment sa unang bahagi ng 2019.
Kabilang sa akomodasyon na ibinigay ng Sumitomo Corporation at Mitsubishi Heavy Industries ay ang advance procurement ng tracks, train parts at iba pang components na kinakailangan sa comprehensive rehabilitation ng MRT-3.
Ayon kay Batan, nasa transition na ang rehabilitasyon.
Sa ilalim nito, ibabalik na sa high-grade infrastructure condition ang MRT-3.
Madadagdagan na ang bumibiyaheng tren mula sa kasalukuyang bilang na labinglima patungong dalawampung operational na light rail vehicles.
Madodoble na rin ang train operating speed sa 60 kilometers per hour.
Nangangahulugan na mula sa 7-10 minutes na pagitan ng pagdating ng mga tren ay magiging 3.5 minutes.