MRT-3, may libreng sakay para sa mga empleyado ng gobyerno –CSC

May alok na libreng sakay ang Metro Rail Transit (MRT) Line 3 sa mga empleyado ng gobyerno sa Setyembre 18 hanggang 20,2024.

Ayon kay Civil Service Commission (CSC) Commissioner Aileen Lizada, ang libreng sakay ay bahagi ng selebrasyon ng ika-124 anibersaryo ng Philippine Civil Service ngayong buwan ng Setyembre.

Buong araw ipatutupad ang libreng sakay mula alas-4:30 ng umaga hanggang alas-9:30 ng gabi sa North Avenue sa Quezon City.


Habang magsisimula naman ng alas-5:05 ng umaga hanggang alas-10:09 ng gabi sa Taft Avenue sa Pasay City.

Ngayong araw ay isinasagawa ang 2024 Government Job Fair ng CSC Regional Office 2 sa SM City Tuguegarao na tatagal hanggang bukas.

Iba’t ibang job vacancies ang binuksan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na maaaring pasukan ng mga qualified job seeker.

Facebook Comments