MRT-3, pabibilisin pa sa buwan ng Disyembre ang takbo ng mga tren nito

Mas pabibilisin pa ng pamunuan ng Metro Rail Transit line 3 (MRT-3) ang takbo ng mga tren sa linya sa pagpasok ng buwan ng Disyembre.

Sa abiso ng MRT 3, itataas pa sa 60 kilometer per hour ang bilis ng mga tren mula sa kasalukuyang 50kph.

Ang pagbilis ng takbo ng mga tren ay dulot ng pagpapalit ng mga bagong riles sa linya sa ilalim ng malawakang rehabilitasyon na isinasagawa ng Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries.


Sa bilis ngayon na 50kph, nagiging komportable na ang biyahe ng mga commuters kumpara noong tumatakbo pa ito ng 40kph.

Mas marami na rin ang tumatakbong tren, na umaabot sa 20 tuwing peak hours, kaya’t mas marami na ang naisasakay.

Sa kasalukuyan, nasa 372 pasahero kada train set o 124 na pasahero ang isinasakay ng MRT-3 kada bagon.

Nabawasan din ang headway o oras sa pagitan ng mga tren. Mula 8 hanggang 9.5 minuto sa 4 hanggang 5 minuto na lamang. Dahil dito, mas napaiksi ang waiting time ng mga pasahero.

Facebook Comments