MTRCB, nakatakdang mag-inspeksyon sa mga pampasaherong bus at terminals bilang paghahanda sa Semana Santa

Manila, Philippines – Iinspeksyunin ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mga pampasaherong bus at ibat-ibang mga bus terminals bilang paghahanda sa Semana Santa.

Simulang April 10 hanggang 11, mag-iikot ang mga MTRCB board members sa mga bus terminals sa Metro Manila.

Ang nasabing aktibidad ay isasagawa ilang araw bago ang inaasahang pagdagsa ng libu-libong mga pasahero na bibiyahe sa kani-kanilang mga probinsya.


Bukod sa pag-iinspeksyon, magkakaroon din ng information drive ng MTRCB upang masiguro na ang tanging General Audience (“G”) o Parental Guidance (“PG”) ang film classification na ipapalabas sa mga bus para hindi ma-expose ang mga batang pasahero sa mga materyal na hindi angkop sa kanilang edad.

Nation”

Facebook Comments