Kalibo, Aklan – Patuloy pa rin ang pagtuturo hanggang ngayon ng Provincial Health Office PHO-Aklan tungkol sa Corona Virus Disease COVID-19 Preventiion and Control Measures. Isinasagawa nila ito sa paraan ng pagbisita sa labing pitong municipal Inter-Agency Task force IATF-for emerging infectious disease ng lalawigan.
Ang pakay nito ayon kay Dr. Leslie Anne Luces, ay para maibigay rin ng municipal IATF sa kani-kanilang nasasakupan ang tatlong bagay na dapat malaman at hindi dapat makalimutan laban sa COVID-19 infection ito’y kung paano mapangalagaan ang sarili at pamilya, ang dapat gawin pag may sintoma at kung saan makakakuha ng tamang impormasyon ukol sa nakakamatay na virus.
Hindi dapat aniya maging kampante ang mga Aklanon kahit na hindi na nadagdagan pa ang anim na kaso ng COVID-19 sa lalawigan, walang sawa aniya nilang ginagawa ito para maiwasan nang Aklan ang magkaroon ng kinatatakutang second wave ng pag atake ng hindi nakikitang kalaban.
MUNICIPAL IATF BINISITA NG PHO-AKLAN, COVID-19 PREVENTION AND CONTROL MEASURES PATULOY NA ITINUTURO
Facebook Comments