NAAPEKTUHAN | Mahigit 11,000 pamilya, apektado sa pananalasa ng bagyong Rosita

Umabot na sa mahigit labing isang libong pamilya o katumbas ng mahigit 38 libong indibidwal ang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong rosita.

Ito ang kinumpirma National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC Spokesperson Dir Edgar Posadas.

Aniya, naitala ang mga apektadong pamilya sa regions 1,2,3 8 at CAR.


Pinakamarami sa mga apektadong pamilya ay naitala sa region 2 na umabot sa mahigit apat na libong pamilya o katumbas ng mahigit labing apat na libong indibidwal.

Mahigit pitong libo sa mga apektadong pamilyang ito ay tumutuloy ngayon sa 424 na mga evacuation centers.

Facebook Comments